If you want more Tagalog Pick Up Lines just visit the link.

Friday, October 1, 2010

Why do you need a free LED video board ad for 150,000.00 pesos? “

Bakit kaylangan kong mapanalunan ang libreng LED video board na 150,000???

Simple lang ang aking dahilan kung bakit kaylangan kong mapanalunan ito. Dahil gusto kong gamitin ang opportunidad na lumabas sa isang video advertisement na tumatakbo ng sampung sigundo, na puwedeng lumabas ng lima o anim na beses kada araw, sa loob ng isang buwan, sa harap ng daan. Upang maibahagi ko sa lahat ang aking isang mabuting pananaw sa buhay na tingin ko makakatulong ng malaki sa bayan.Gagamitin ko ito hindi sa pang sarili kung hindi gagamitin ko ito para sa lahat.

Ang aking pananaw:

Eto at election na naman... Na iraos na ang Presidential election at gaganapin na naman ngayong october 25 ang barangay election. Tulad ng nakagawian, lahat handa na naman mag labas ng pera para gumastos at bumili ng mga bagay na makakatulong upang sila ay makilala sa election. Campaign materials, tarpaulin, coupons,fliers na may naka sulat na
VOTE FOR ME! Re-elect...


Libo-libong pera na naman ang magagamit nila pero pansinin ninyo lahat ng tatakbo sa isang election... ay hangand na tumulong sa bayan at maglingkod! . Kung yun lang din naman ang hanngad nila??? Bakit hindi na lang nila gamitin ang pera na pambili ng mga campaign materials, sa mga taong nangangailangan sa kanilang lugar. O di kaya'y pag samasamahin at mag kaisa upang makapgpagawa ng establishimento na makakatulong sa kanilang lugar. Tulad ng paaralan, health center, palaruan at iba pa...

Di ba??? Ang sarap sa paki randam na kahit hindi ka manalo sa election. Alam mo sa sarili mo na nakatulong ka sa bayan mo... At yung pagtulong na yun ang isa sa mga magiging daan sa pag unlad ng bayan... :)

Kung iisipin mo ngang mabuti after ng election na yan, yung mga campaign materials na yan naka kalat na lang dyan at hindi na mapakinabangan... At kung misan nagiging sanhi pa ng baha dahil bumara sa mga kanal at estero.




Sa totoo sa simpleng ad na ito kung isasapuso at iisipin ng mabuti ng makabasa o makakakita... napaka buti ng maidudulot nito. . . Kung sakaling makikita pa ng kinaukulan at bibigyan ng pansin kasabay ng kanilang pag tatanto. Maiisip nila na sa susunod na election, ipag bawal na ang pag gamit ng campaign materials at mangampanya na lang ng dala ang sarili at gumastos na lang ng may patutunguhan hanngang sa huli. Sa ganitong paraan makikita natin ang isang patas na laban at ang mabuting maidudulot sa bayan ng hindi pag gamit ng campaign materials sa halip ay itulong na mismo sa bayan. Kahit hindi manalo... PANALO KA PA RIN!!! Sa mata ng mga tao!

Eto ang aking dahilan kung bakit kaylangan ko ang LED VIDEO BOARD. Ang imulat ang lahat sa isang tuwid at napaka buting pananaw na makakatulong sa bayan... Sa pamamagitan ng Free LED Video board na ito!!!


''Thanks to .Black Friday deals. for making this contest possible''

Monday, September 13, 2010

Monday, August 30, 2010

Dedication!

Pag merong kang dedication sa ginagawa mo? Kahit gaano kahirap ang ginagawa mo? Hindi ka mag sasawang paulit ulit itong gawin hanggang maachieve mo ang gusto mo.

Tulad sa pag ibig! Pag may dedication paki randam mo kaya mong gawin lahat para sa minamahal mo!

Friday, August 27, 2010

Hangad ko ang manalo!

Tapos na ang aming midterm! Awa naman ng Diyos pasado naman ang ibang subject at syempre yung iba hindi naging maganda ang
resulta. Pero kahit na ganon? Puwede pa namang bumawi sa finals!

Ngayon na lang ulet ako nakapag post dito sa blog ko, kaya wenewelcome ko yung sarili ko! Hehe

Nga pla sumali ako sa isang contest! Napaka ganda ng contest dahil may papremyo syempre at ang mechanics ay hulaan ang papremyo! Ang lupet no? Ang taba ng utak at ang galing! Well, sumali ako dahil hanggad kong manalo. Kaya patuloy ko pa rin hinuhulaan ang papremyo! Nakakatuwa pa dahil nag eenjoy ako sa panghuhula... Hehe hindi ako susuko!

Baka gusto nyo din sumali. Simple lang punta lang kayo sa site ni kuya jehzlau! I'm sure mag eenjoy kayo!

Sunday, August 15, 2010

Midterm namin.

Marahil na papansin nyo na hindi na ako gaanong aktibo sa blogsphere, dahil sa kadahilanang midterm po namin ngayon at kaylangang mag focus na muna sa pag rereview ng walang katapusan numero. Salamat po sa pag intindi! Supladong Alipin will be back soon. God bless!

Tuesday, August 3, 2010

Radiation

Masasabi kong madalas nababad ang mata ko sa Radiation pag nag cocomputer. Facebook facebook, internet at laro ng games (dota-allstars to be specific). Napaka ganda naman kasing libangan pag walang klase o kaya pag katapos ng klase. Para bang iyon na yung way mo para makapag relax after ng mahabang klase sa school.

Habang tutok ang mata sa monitor hindi mo napapansin, hindi na pala kumukurap si mata at pati oras halos tumakbo ng matulin na kung matinik ay malalim. Hehe Ano connect? Ala lng. Yun nga! Dahil sa ganong sitwasyon Mabilis lumabo ang mata. Higit sa lahat base on my experience, Pag uwi mo talaga ng bahay antok na antok ka. Gusto mo na agad matulog o kaya kumain at matulog. Dahil sa mga ganitong sitwasyon nakakalimot na mag aral, kasi di na rin kaya sa pagod.

Isa ito sa mga epekto ng sobrang radiation sa mata. Honestly speaking totoo ito, dahil na eexperience ko din. Kaya hangga't maare kung nag cocomputer ka, dapat kumurap ka kahit papano.

-Na alala ko naman yung pinsan ko na nag payo sakin nito, na ganito ang epekto ng radiation sa pag aaral.

Sunday, August 1, 2010

Kung Mayaman na lang sana ako.

Wala naman taong gusto maging mahirap sa totoo lang. Sa pananaw ko lahat gusto maging mayaman. Sino ba naman may ayaw na marami kang pera, lahat ng gusto mong bagay puwede mong bilhin. Yun nga lang hindi puwede maging mayaman lahat ng tao. Ewan ko? Siguro siyempre dahil iba iba ang pananaw at ugali na tao. Merong masipag, tamad, pursigido, mahina ang loob at iba pa.

Nakakalungkot man isipin? Kasama ko sa mga taong mahirap at hindi mabili yung mga bagay na nais kong bilhin. Sa totoo lang kahit nag aaral pa ko sa kolehiyo, pinipilit kong makahanap ng side line para kumita. Yun nga lang napakahirap pero kahit na ganon napaka saya naman ng pakiramdam pag nakikita mong kumikita ka ng pera.

Pero nag papasalamat ako dahil na imbento ang salitang ''Pangarap''. Dahil dito nakikito ang bagay na nais kong matamo at mga bagay na nais ko matanggap. Na kahit hindi ako mayaman natatanaw ko ang mga bagay na gusto ko at ito ang aking Pangarap!
Related Posts with Thumbnails