If you want more Tagalog Pick Up Lines just visit the link.

Thursday, July 29, 2010

Mahalin muna ang sarili

''Dapat kasi matutuhan mo ding mahalin ang sarili mo, yung hindi ka umaasa na ibang tao yung magpapasaya sayo... Dahil ikaw lang ang makakpag pasaya sa sarili mo! ''


Sinabi ito ng aking kaybigan dahil sa ako ay nabigo na naman sa pag ibig. Ewan ko ba? Bakit ganon pag nag mahal ako, sa kanya lang ako nagiging masaya ng kakaiba pero dumadating talaga yung time na mawawala at iiwan ako ng taong mahal ko. Hay? Pero sa totoo lang umaasa ko na One Day, Isang araw mamahalin niya rin ako. Kaya hindi ko bibitawan yung love ko. Maaaring humanap muna ko ng mga bagay na mag papasaya sa sarili ko. Pero yung presence ko laging nasa tabi niya pa rin.

Kung hindi marunong masaktan? Hindi ka marunong mag mahal! :)

Tuesday, July 27, 2010

Kunwari hindi alam?

Napaka ganda ng umaga! Patirik pa lang ang araw, sabayan mo pa ng mainet na kape. (perfect!) Habang nag lalambing ang alaga kong kuting sa aking paa. Malayang nag iisip ang aking utak para sa mga magagandang bagay na dapat gawin ngayon araw.

Nang biglang dumaan ang aking kapit bahay sa tapat namin:

Kapitbahay: Ayos yang kape natin ah!

Jon: Opo, pampagising!

Kapitbahay: Ano yang nasa paa mo? Kuting? Kuting yan noh?

Jon: ah,Opo! Bingy po ng kaybigan ko. (ewan ko b? Kitang kita naman na kuting tatanong pa.)

Bakit ba ganon? Napakalinaw Kuting yung alaga ko at alam nya yun. Gusto ko nga sabihin aso po yan! Hehe... Ang bilis ko lang talaga mawala sa mood pag ganun, madalas ko pa naman na eencounter yung ganon. Yung tipong alam na nga niya kung anu yun, tatanungin ka pa kung ano yan? Dapat kasi kung wala ng masabe? Tahimik na lang... Biruin mo kung d na niya tinanong yun? Di na siya napagod mag salita kahit papano at di na sayang yung 3 secs.nya para mag salita. Hahaha nakakatawa! Simpleng bagay pinapalalim ko. May point naman kasi ako. :)

Monday, July 26, 2010

Sulat bang Maituturing???

Isa akong Engineering student na nais makapag tapos ng pag aaral sa kolehiyo. Tulad din ako ng ibang estudyante dyan sa mga Universidad na minsan sinisipag mag aral at minsan naman ay hindi. Masarap mag aral lalo na kung yung Prof.mo sa mga subject ai magaganda (Prof.na mala Marian Rivera? San ka pa), magaling mag turo, mabait, understanding at higit sa lahat ''MAGANDA MAGSULAT.''



Bakit ba kasi may mga Guro na magaling mag turo pero ang panget ng sulat. Yung tipong parang may maguray guray na lang na letra sa Black Board? Nakakatawa minsan naiisip ko. Siguro kaya ang panget ng sulat ni maam dahil nung estudyante sya, sinadya nya yun para di na tignan ng Prof.nya yung Solution nya at Sagot na lang ang checkan! Hehe... Nakakainis kasi mag aral at pag aralan yung panget na sulat ng Prof, lalo na pag mga numbers tapos alanganing oras pa, mga 2:30pm? Nakakawala ng gana, hikab na lang ako ng hikab. Ewan ko ba? Apektado lang talaga ako pag ganon at mapapansin mo bumabagal annnggg oooorrrraaaasss diiiii bbbbaaa?

Wish ko lang?ΓΌ Sana matutunan ng mga Prof.sa School ang kagandahan ng sulat, na magiging way para mas lalong ganahan yung estudyante mag aral..
Related Posts with Thumbnails