If you want more Tagalog Pick Up Lines just visit the link.

Sunday, August 1, 2010

Kung Mayaman na lang sana ako.

Wala naman taong gusto maging mahirap sa totoo lang. Sa pananaw ko lahat gusto maging mayaman. Sino ba naman may ayaw na marami kang pera, lahat ng gusto mong bagay puwede mong bilhin. Yun nga lang hindi puwede maging mayaman lahat ng tao. Ewan ko? Siguro siyempre dahil iba iba ang pananaw at ugali na tao. Merong masipag, tamad, pursigido, mahina ang loob at iba pa.

Nakakalungkot man isipin? Kasama ko sa mga taong mahirap at hindi mabili yung mga bagay na nais kong bilhin. Sa totoo lang kahit nag aaral pa ko sa kolehiyo, pinipilit kong makahanap ng side line para kumita. Yun nga lang napakahirap pero kahit na ganon napaka saya naman ng pakiramdam pag nakikita mong kumikita ka ng pera.

Pero nag papasalamat ako dahil na imbento ang salitang ''Pangarap''. Dahil dito nakikito ang bagay na nais kong matamo at mga bagay na nais ko matanggap. Na kahit hindi ako mayaman natatanaw ko ang mga bagay na gusto ko at ito ang aking Pangarap!

9 comments:

  1. like. :)
    parehos lang tayo parekoy. pagkatapos ng term na to, wala na akong subject, thesis na lang at graduation. baka maghanap ako ng trabaho, baka feb pa kasi kami maka-grad. kaya yun, gusto ko din kumita. :)

    --added na to sa blogroll ko. bakit pa-iba-iba ka ata ng blog? :))

    ReplyDelete
  2. Keep on dreaming parekoy! Wala namang masama dun. Magpaursige ka sa pag-aaral mo at tiyak makakamit mo ang iyong mga pangarap...

    Unang beses dito...

    ReplyDelete
  3. Pre isipin mo na lang may mas less fortunate sayo.. Actually mas maswerte ka pa din. think about the people who have no food on their plate, no home to live and no money to buy their luxuries. Atleast ikaw nakaakapagblog pa! db? hehe!

    ReplyDelete
  4. tama si benh. pero di masama ang mangarap kaya tara samahan nyo ko sa byahe patungong pagyaman. lolz

    ReplyDelete
  5. sabi nga nila ang taong walang pangarap ay walang mararating sa buhay. sa isang munting pangarap nagsisimula ang bawat tagumpay ng isang tao.

    bullet day yayaman din tayong lahat ^_^

    ReplyDelete
  6. libre lang talaga ang mangarap..kasi sa pangarap ay nakakamit natin ang hindi natin makamit sa totoong buhay..

    ReplyDelete
  7. medyo mahihirapan din ako pag naghanap pa ako ng trabaho, lalo na at marami din akong affiliations sa school. Better yet, ipunin ko na lang ang baon ko. at sa kasalukuyang panahon, nakakaipon naman ako kahit papaano. ^_^ Hindi man malaki, ok lang, basta may ipon, ika nga, hindi ka makakabuo ng isang milyon kung wala kang benchingko centimos! :))

    ReplyDelete
  8. @goyo? Salamat pareng goyo! Ako naman 4th yearna kaya isang tao pa bago makagraduate. Pano engineering student ako. Sana pag ka graduate ko akahanap din agad ng magandang trabaho.

    Hindi naman ako paibaiba... Hehe naguguluhan lang ako kaya eto gumawa ako ng taglog na blog. Pero next time gagawa ako ng iba pa. Sana suportahan nyo pa din.

    @jag, oo jag! Magpupursige ako! Gagalingan ko para sa pag aaral ko. Para sa napaka gandang kapalaran sa buhay balang araw.

    @benh, salamat ben! Oo nga may less fortunate pa sa akin. Kaya thankful dn talaga ako dahil eto nakakapag rent pa ako ng computer at nag bblog. Sa totoo lang gusto ko sana kumita sa blog, kaso hindi ko alam kung papaano. Na pala salamat sa unang pag dalaw.

    @midnight driven, oo ba! Sama ako sa biyahe! Libre naman pamasahe papunta sa pangarap.

    @sikotlover? Tama! Great thing starts from small beginning! Hehe drink Milo. O0 nga yayaman din tayong lahat balang araw.

    @arvin, salamat sa comment! Dahil sa pangarap nag kakaroon tayo ng pupuntahan sa bahay.

    @sasarai, tama ka jan! Ako nga din talaga magtitipid na para makapipon ako ng pera. Kahit hindi sapat iyon at least meron akong madudukot.

    ReplyDelete
  9. hwag kang magambisyon ng isang bagay na malabong maging iyo. pagmumukhain mo lang tanga yung sarili mo..

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails