If you want more Tagalog Pick Up Lines just visit the link.

Tuesday, July 27, 2010

Kunwari hindi alam?

Napaka ganda ng umaga! Patirik pa lang ang araw, sabayan mo pa ng mainet na kape. (perfect!) Habang nag lalambing ang alaga kong kuting sa aking paa. Malayang nag iisip ang aking utak para sa mga magagandang bagay na dapat gawin ngayon araw.

Nang biglang dumaan ang aking kapit bahay sa tapat namin:

Kapitbahay: Ayos yang kape natin ah!

Jon: Opo, pampagising!

Kapitbahay: Ano yang nasa paa mo? Kuting? Kuting yan noh?

Jon: ah,Opo! Bingy po ng kaybigan ko. (ewan ko b? Kitang kita naman na kuting tatanong pa.)

Bakit ba ganon? Napakalinaw Kuting yung alaga ko at alam nya yun. Gusto ko nga sabihin aso po yan! Hehe... Ang bilis ko lang talaga mawala sa mood pag ganun, madalas ko pa naman na eencounter yung ganon. Yung tipong alam na nga niya kung anu yun, tatanungin ka pa kung ano yan? Dapat kasi kung wala ng masabe? Tahimik na lang... Biruin mo kung d na niya tinanong yun? Di na siya napagod mag salita kahit papano at di na sayang yung 3 secs.nya para mag salita. Hahaha nakakatawa! Simpleng bagay pinapalalim ko. May point naman kasi ako. :)

3 comments:

  1. haha! madalas tlga yan.. kahit ako minsan nakapagsasalita na din ng ganyan.. ewan ko ba.. madalas yan sa mga jip. Nabasa na nga ung sign, tatanungin pa kung dun papunta tlga.. haha

    ReplyDelete
  2. @benh, hehe mga Filipino talaga haha.. Pero ayos lang kahit ganon atleas natatawa tayo kahit papano. Salamat sa pag basa..

    ReplyDelete
  3. haha.. ang puso.. bata pa tayo.. nyahaha..
    ako din minsan ganyan... hindi naman sa "para may masabi lang" moment.. pero likas na talaga sa atin yan kung minsan.. kung minsan di natin namamalayan, nagtatanong na rin tayo sa uber obvious.. haha...
    dumadaan lang.. :)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails