Isa akong Engineering student na nais makapag tapos ng pag aaral sa kolehiyo. Tulad din ako ng ibang estudyante dyan sa mga Universidad na minsan sinisipag mag aral at minsan naman ay hindi. Masarap mag aral lalo na kung yung Prof.mo sa mga subject ai magaganda (
Prof.na mala Marian Rivera? San ka pa), magaling mag turo, mabait, understanding at higit sa lahat
''MAGANDA MAGSULAT.''
Bakit ba kasi may mga Guro na magaling mag turo pero ang panget ng sulat. Yung tipong parang may maguray guray na lang na letra sa Black Board? Nakakatawa minsan naiisip ko. Siguro kaya ang panget ng sulat ni maam dahil nung estudyante sya, sinadya nya yun para di na tignan ng Prof.nya yung Solution nya at Sagot na lang ang checkan! Hehe... Nakakainis kasi mag aral at pag aralan yung panget na sulat ng Prof, lalo na pag mga numbers tapos alanganing oras pa, mga
2:30pm? Nakakawala ng gana, hikab na lang ako ng hikab. Ewan ko ba? Apektado lang talaga ako pag ganon at mapapansin mo bumabagal
annnggg oooorrrraaaasss diiiii bbbbaaa?Wish ko lang?ü Sana matutunan ng mga Prof.sa School ang kagandahan ng sulat, na magiging way para mas lalong ganahan yung estudyante mag aral..